Sa panahon ngayon, ang ating seguridad tuwing tayo ay online ay napakahalaga. Dahil dumarami ang banta sa pagkalat ng data, mas maigi na tayo ay gumawa ng kinakailangang paraan upang pangalagaan ang ating personal na impormasyon at mga account. Isang epektibong paraan na magpapabuti ng seguridad ng iyong plataporma sa pag-trade, tulad ng Binomo, ay ang pag-set up ng Two-Factor Authentication (2FA). Narito ang mga hakbang sa pag-set up ng 2FA sa Binomo upang dagdagan ang seguridad ng iyong account.
Hakbang 1: Mag-log in sa iyong Binomo account
Pumunta sa Binomo website o app at mag-log in sa iyong trading account gamit ang iyong impormasyon. Siguruhing mabubuksan ang email address na kaakibat ng iyong account, dahil kailangan mo ito sa proseso ng pagpapatunay ng iyong account.
Hakbang 2: Pumunta sa 2FA settings
Kapag nakapag-log in na, hanapin ang “Set up 2FA” button sa iyong Binomo account. Kung gumagamit ng Binomo app, i-click ang “Manage 2FA” sa settings ng app.
Hakbang 3: Mag-install ng authenticator app
Ang Binomo ay sumusuporta sa Google Authenticator at Authy, mga madalas na ginagamit at mapagkakatiwalaang application sa pag-generate ng mga verification code. Kung hindi mo pa ito nasusubukan, pumunta sa app store ng iyong device at i-download ito. Ang Google Authenticator/Authy ay makukuha sa iOS at Android na device. Kapag na-install na ito, buksan ang authenticator app.
Hakbang 4: I-link ang authenticator app sa iyong Binomo account
Sa authenticator app, makikita mo ang mga pagpipiliang “Add Account” o “Scan QR Code”. Piliin ang scan QR code. Pagkabalik sa iyong Binomo account, makikita mo ang QR code. Gamitin ang authenticator app upang i-scan ang code.
Hakang 5: Ilagay ang verification code
Matapos i-scan ang QR code, gagawa ang authenticator app ng 6-numerong verification code. Ilagay ang code na ito sa nararapat na patlang sa iyong Binomo account.
Hakbang 6: Kunin ang recovery codes
I-copy at paste ang recovery codes na ibibigay ng Binomo o kaya naman ay i-download ito bilang isang file. Ang mga Recovery codes ay magsisilbing alternatibong paraan upang mabuksan ang iyong account kung hindi mo magamit ang authenticator app o ang iyong telepono.
Hakbang 7: Kunpletuhin ang 2FA setup
Ilagay ang isa sa mga recovery code na iyong nakuha upang matapos ang proseso ng pag-set up ng 2FA. Mahusay! Matagumpay mong na-set up ang Two-Factor Authentication ng iyong Binomo account.
Hakbang 8: Subukin ang Two-Factor Authentication
Upang masigur na lahat ay gagana nang maayos, mag-log out sa iyong Binomo account at mag log-in muli. Sa pagkakataong ito, kapag hiningi ng password mo, kailangan mo ding ilagay ang verification code na ginawa ng authenticator app sa iyong smartphone.
Pagbubuod
Sa pagpapagana ng Two-Factor Authentication (2FA) sa iyong Binomo account, ikaw ay gumawa ng mahalagang hakbang sa pag poprotekta ng iyong pera at personal na impormasyon. Tandaan, panatilihing ligtas ang iyong smartphone at authenticator app, dahil mahalaga ito sa proseso ng pagpapatunay. Ugaliing mag-update at patatagin ang iyong mga password sa iyong Binomo account at authenticator app para sa karagdagang seguridad. Maging mapanuri at ikatutuwa mo ang mas ligtas na karanasan sa pagtrade, lalo na’t panatag ang iyong loob na protektado ang iyong account.
Be First to Comment