Pag-usapan natin ang iba’t-ibang paraan ng pagrehistro at ang iba’t-ibang uri ng accounts sa www.binomo.com upang iyong malaman kung alin sa mga ito ang nararapat para sa iyo. Tatalakayin din natin ang proseso ng pagberipika at kung bakit mahalagang maging maingat sa pagpili ng currency habang nagpaparehistro.
Mga paraan ng pagrehistro
Maaari kang magrehistro at mag login sa Binomo trading platform sa pamamagitan ng email at pagpili ng iba’t-ibang lingguahe. Maaari ka ring mag sign in ng Binomo account gamit ang Facebook o Google.
Mga hakbang upang makasali sa Binomo:
- Buksan ang Binomo login page sa website.
- Ilagay ang iyong email address o di kaya ay ang Facebook/Google username at password.
- Piliin ang iyong account currency.
- Pindutin ang “Create account” upang mabigyan ka ng Binomo access; kumpirmahin ang iyong email address.
Upang maiwasan ang paglabag sa mga alituntunin ng platform, basahin ang Mga Alituntunin ng Client Agreement at Privacy Policy at sumang-ayon sa mga ito.
Paano mag sign up at mag login sa Binomo app
Ang proseso ng pagrehistro sa Binomo app ay kapareho ng sa website. Gayunpaman, mayroong pagkakaiba; sundin ang mga hakbang sa ibaba upang mag-sign up ng Binomo app nang walang problema:
- Buksan ang pangunahing pahina ng Binomo.
- Pindutin ang “Sign up” na pindutan at isulat ang email at matibay na password.
- Pumili ng account currency, basahin at tanggapin ang Mga Alituntunin ng Client Agreement ng buong ingat.
- Pindutin ang “Sign up” at kumpirmahin ang email upang makapag umpisa sa iyong paglalakbay sa pangangalakal sa platform.
Ang pag login sa Binomo app ay posibleng gawin gamit ang iyong Google o Facebook account.
Piliing mabuti ang iyong currency
Hindi na maaaring baguhin ang currency ng iyong account pagkatapos mong magparehistro. Kaya naman, pumili ng mabuti upang hindi na mahirapan pa sa pagsara ng account at sa pagbukas ng panibago upang baguhin lamang ang iyong napiling pananalapi.
Paano baguhin ang currency?
Hindi mo na mababago ang currency ng iyong Binomo account pagkatapos mong magrehistro. Kung nais mong mag invest at mag trade sa ibang currency, kailangan mong magbukas ng panibagong account gamit ang ibang email address at tukuyin ang currency na nais mong gamitin habang ikaw ay nagsa-sign up. Ang pagkaroon ng maraming accounts ay ipinagbabawal kung kaya’t kailangan mong siguraduhin na naipasara mo na ang iyong dating account bago ka pa gumawa ng panibago.
Para saan ang demo account?
Pagkatapos ng unang pag login sa Binomo account, ang bawat trader ay magkakaroon ng access sa isang demo account. Maaari kang mag praktis ng trading gamit ang unlimited na pondong virtual sa ligtas at puno ng seguridad na kapaligiran nang walang bahid ng takot na baka ikaw ay mawalan ng pondo dahil sa kakulangan mo ng kaalaman o edukasyon sa trading. Ang lahat ng gumagamit, kasama na ang mga may hawak ng demo account, ay maaaring sumali sa isang libreng tournament tinatawag na “Daily Free”, kung saan maaari silang magpraktis araw araw.
Beripikasyon – Ano ito at bakit
Ang isang kumpanya ay maaaring humingi paminsan-minsan ng mga dokumento na nagpapatunay ng pagkakakilanlan ng isang mga may hawak ng account. Ang proseso ng beripikasyon ng isang account sa Binomo ay patunay ng iyong pagkakakilanlan at paraan ng pagbabayad. Ang regulator ng mercado sa pananalapi at ang mga nagbibigay serbisyo sa pagbabayad ay nangangailangan ng beripikasyon sa bawat gumagamit. Sa bandang huli, ang bawat trader sa Binomo ay kailangang sumailalim sa proseso ng beripikasyon.
Dati, ang beripikasyon ay ginagawa ng ilang araw pero ngayon, ang Binomo ay nag-aalok ng otomatikong beripikasyon na natatapos sa loob ng ilang minuto lamang. Pagkatapos humiling ng beripikasyon, ang pag-withdraw ng pondo ay hihigpitan muna hanggang sa mapatunayan ang pagkakakilanlan ng trader.
Tandaan! Liban sa pagiging obligasyon sa batas, ang beripikasyon ay nakakatulong upang maprotektahan ang iyong mga assets. Sa panahong manakaw ang iyong account, ang mga verified users ay magkakaroon ng pagkakataon na mabawi ang kanilang pondo.
Paano magbago ng password?
Kung hindi mo na maalala ang iyong password, maaari kang gumawa ng panibago upang magkaroon ka ulit ng access sa platform.
Para sa mga mangangalakal na gumagamit ng web na bersyon sa PC:
- Sa Login section ng Binomo website, pindutin ang “Forgot my password”.
- Isulat ang email address na ginagamit sa pagbukas ng account at pindutin ang “Send”.
- Ikaw ay makakatanggap ng isang recovery letter; buksan ito at pindutin ang buton.
- Ilagay ang iyong bagong password sa nabuksan na form.
Maaari mong gamitin ang parehong paraan sa pagbago ng password sa mobile na bersyon ng Binomo; ang reset button sa mobile na bersyon ay tinatawag na “Reset password”.
Tandaan! Kung ikaw ay hindi pa nakatanggap ng password recovery email, mangyari lamang na i-double-check ang iyong email address at tingnan ang iyong spam folder.
Pagsara ng account
Para sa mga mangangalakal na nagtatanong kung paano isara ang kanilang Binomo account? Maaari ninyong isara ang inyong account na kayo lang sa website sa pamamagitan ng pag pindot sa inyong profile image at pagpili ng inyong personal info section kung saan makikita ang pindutan o buton na “Block account”. Samantala, sa Binomo app na bersyon ay hindi ninyo maaaring isara ang inyong account nang walang tulong. Kailangan ninyong kontakin ang isang support agent upang gawin ito para sa inyo.
Magrehistro at mag trade sa Binomo
Ang Binomo ay nagpapahintulot sa iyo na mag login at mag trade kahit nasaang lugar ka man at kahit anong oras gamit ang Internet. Bago ka mag login sa Binomo, basahing mabuti ang Client Agreement at Privacy Policy at sundin mga alituntunin ng mga ito upang maiwasan ang pagkasuspende ng iyong account. Ang pagkakaroon ng maraming account ay labag sa mga alituntunin. Laging isaisip na ang pag trade ay may kasamang panganib, at may posibilidad na mawala ang lahat ng iyong mga puhunan.
Be First to Comment