Ang Binomo at IQ Option ay naging pamilyar na sa mga plataporma sa mga nangangalakal sa kasalukuyang panahon. Nagbibigay ang parehong platapormang ito ng mga mahahalagang serbisyo na puwedeng kailanganin ng mga baguhan o may kasanayang mga nangangalakal. Kaya naman, alinman sa IQ Option vs Binomo ay puwedeng magbigay ng kakaibang katangian na maaaring wala ang iba. Samakatuwid, heto ang pangkalahatang-ideya ng kung ano ang iyong makakatagpo kapag gumagamit ka ng alinman sa mga iyan.
Ano ang dapat hanapin kapag namimili ng platapormang pangkalakalan?
Buong husay na tinuturuan ng dalawang platapormang ito kung paano makipagkalakalan ang mga gumagamit nito: pag-aralan ang merkado, gumamit ng mga estratehiya, bumuo ng mga tsart upang makakuha ng karagdagang kita.
Heto ang ilang mga salik na dapat kang maging maingat sa pamimili ng kung aling plataporma ang pinakanababagay sa iyong mga kundisyon:
- ang naaayon sa batas na katayuan ng plataporma;
- kapakinabangan;
- sistemang may pondo sa mga deposito at mga inilalabas;
- serbisyong suporta.
Gayunpaman, panlabas man na mga salik o ang iyong mga kasanayan, kailangan mong maintindihan na kapag ikaw ay nakikipagkalakalan, dapat may pananagutan ka sa iyong mga magiging aksyon.
IQ Option vs Binomo
Ngayong alam mo na kung ano ang pamantayan na dapat kang may kamalayan at isaalang-alang, heto ang mga kalamangan at kahinaan ng Binomo vs IQ Option at kabaligtaran.
Kalamangan at Kahinaan ng Binomo
Ang Binomo ay isang sertipikadong platapormang pangkalakalan na online na may milyun-milyong mga gumagamit at higit pa sa 900,000 na aktibong nangangalakal araw-araw. Patuloy ang pag-usbong nito mula noong maitatag ang kumpanya noong 2014.
Kalamangan
Sertipikadong Platapormang Pangkalakalan
Ang Binomo ay isang sertipikadong plataporma na Verify My Trade (VMT) na dapat ay iyong hinahanap kapag iyong sinusuri ang kaligtasan ng isang plataporma. Ang VMT ay isang malayang tagasuri na buwanang sinusuri ang mga kalakalan na ginawa sa Binomo (higit pa sa 5000) at naglalabas ng sertipikado ng kanilang kalidad.
At saka, ang Binomo ay nakilala bilang pinakamahusay na panimulang plataporma ng mga parangal ng FE Awards noong 2015, iginawad bilang IAIR para sa panlalapi at ekonomikong mga tagumpay at pinangalanang “Platform Of The Year” noong 2016.
Ang account na demonstrasyon
Ang account na demonstrasyon ay isang pagsasanay na serbisyo upang mabigyan ng kapanggapan sa kung paano makipagkalakan sa mga tsart na kasalukuyang oras. May mga pagtuturo sa mga panimulang pagsasanay na pamamaraan pati na rin mga bidyo upang makatulong sa iyo nang higit pa sa iyong pagkatuto tungkol sa mga gawa ng Binomo. May mga estratehiya na nasa gilid ng menu bar na iyong maaaring bisitahin at pag-aralan kahit kailan.
Ang iyong account na demonstrasyon ay parang isang totoong account ngunit may birtwal na mga pondo. Hindi puwedeng ilabas ang mga pondo mula sa isang account na demonstrasyon.
Ibat-ibang account
Ang Binomo ay nagbibigay ng apat na tipo na sumasalungat sa IQ Option kung saan dalawa lang ang makikita mo. Mas madaling laang-gugulin, ayusin at pagdesisyunan sa pamamaraang pakikipagkalakalan nang may ibat-ibang tipo ng account. Maraming benepisyo ang nakapaloob sa iba’t ibang accounts katulad ng bilang ng mga ari-arian, mga bonus, oras ng paglalabas at iba pang benepisyo ng kalakalan:
- Free – libre sa paniningil, account na demonstrasyon, non-withdrawable.
- Standard – pinakamababang deposito na $10, daan sa mga bayad na paligsahan, kakayahang kumita ng hanggang sa 85%, depositong bonus hanggang sa 100%.
- Gold – ang kabuuang deposito na $500 na ginawa sa buong itinagal na panahon, daan sa mga bayad na paligsahan, kakayahang kumita ng hanggang sa 90%, depositong bonus na aabot sa 150% at cashback na hanggang sa 5% kung sakaling magkakaroon ng linggong hindi produktibo.
- VIP – ang kabuuang deposito na $1000 na ginawa sa buong itinagal na panahon, daan sa mga bayad na paligsahan, kakayahang kumita ng hanggang sa 90%, depositong bonus na aabot sa 200%, cashback na hanggang sa 10% kung sakaling magkakaroon ng linggong hindi produktibo, walang panganib na kalakalan, pansarili ng tagapamahala at pagseseguro.
Isa pa, ang mga kliyente ng VIP ay puwedeng sumali sa Prestige Club na nagbibigay ng mas maraming benepisyo sa pakikipagkalakalan sa Binomo.
Tandaan! Kung gusto mong mas matuto pa sa mga benepisyo ng mga tipo ng account, puwede kang pumunta sa “Statuses” na pindutan at gumalugad sa lahat ng opsyon.
Serbisyong Suporta
Puwede kang pumunta nang direkta sa Help Center kung saan iyong matatagpuan ang mga artikulo na ibinibigay para sa kahit na anong mga katanungan na maaaring magkaroon ka tungkol sa kung paano gumagana ang plataporma. Puwede kang mag-email sa support@binomo.com kung may mga katanungan kang hindi pa nasasagot o ‘di kaya ay ipasa mo ang mga ito gamit ng Cody chatbot sa plataporma.
Kahinaan
Pagkakaroon ng Aplikasyon
Ang aplikasyon na Binomo ay makikita sa mga gumagamit ng Apple at Android. Sa kasamaang palad, ang aplikasyon na ito ay hindi makikita sa Windows o Mac (vs. IQ Option) ngunit, puwede pa rin gamitin ang Binomo gamit ng browser ng mga kompyuter.
Isa pa, ang paggana ng platapormang ito ay tila limitado kung ikukumpara sa bersyon na web ng Binomo, ngunit hindi nito naaapektuhan ang pakikipagkalakalan.
Isang Beses na Pananalapi
Kapag naiayos mo na ang tipo ng iyong pananalapi sa iyong account sa Binomo, hindi na puwedeng palitan pa. Kung gusto mong palitan ang tipo ng pananalapi nito, kakailanganin mong isara ang lumang account at magbukas ng bago sa pamamagitan ng ibang email.
Pagkakaroon sa Globo
AngBinomoay hindi makikita sa mga bansang Europa at USA (vs. IQ Option) ngunit, ang plataporma na ito ay gumagana sa higit pa na 130 na bansa.
Kalamangan at Kahinaan ng IQ Option
Ang IQ Option ay isang tanyag na platapormang pangkalakalan na itinatag noong 2013 na patuloy na napapabuti kada taon.
Kalamangan
Sertipikado na Platapormang Pangkalakalan
Ang IQ Option ay lisensyado ng CySEC; binabantayan nito ang pampinansyal na mga serbisyo ng mga kumpanya upang siguraduhing susunod ang mga ito sa mga batas at regulasyon ng Republiko ng Cyprus at ng Unyon ng Europa. Ang platapormang ito ay may apat na internasyonal na mga parangal, kasama na ang Best Mobile Trading Platform ng IFM (2015) at Award of Excellence sa pamamagitan ng pagboto ng komite bilang pinakamahusay sa Financial category (2017).
Ang account na demonstrasyon
Katulad ng Binomo, ang IQ Option ay may kinaugaliang programa na rin sa anyo ng account na demonstrasyon. Ang mga kaparehas na pagpapagana rito at pagsasanay ay nakapaloob na rito ngunit mayroon itong mga tampok: halimbawa, ang mga takdang panahon sa IQ Option ay kusang nagbabago kapag hindi ito nababago.
Ibat-ibang account
Ang Option sa IQ lamang ay may dalawang tipo ng account sa pangkalahatan, ngunit ang Standard na account ay kayang magbukas sa 350 na mga ari-arian (vs. Binomo, kung saan ang pinakamarami na pupwede ay hanggang sa 70 na mga ari-arian). Dapat kang magbigay ng espesyal na kahilingan upang mailipat sa propesyonal na antas dahil kinasasangkutan ng paglipat ay higit pang mga mahahalagang mga panganib na pampinansyal.
Stop Loss Order
Ang Opsyon na IQ ay may tampok na kung saan puwede kang maglagay ng “Stop Loss” na handa kang tahakin. Samakatuwid, kung ang iyong estado ay nalalapit sa pinakatodong pagkalugi, ang iyong kalakal ay magsasara. Bukod pa sa tampok na ito, mayroon ding “Take Profit” o Kunin Ang Kita na kung saan puwede maglagay ang mga gumagamit ng “maximum profit” o pinakatodong kita at kapag naabot na ang kitang iyan, ito ay magsasara.
Kahinaan
Pagkakaroon sa Globo
Ang IQ Option ay mayroon lamang sa 30 na bansa at limitado sa Europa, laban sa Binomo na mayroon sa 130 na bansa.
Karagdagang Mga Bayad
Gamit ng IQ Option, hindi posibleng ilabas ang iyong mga pondo nang hindi nagbabayad ng $31 (o katumabas ng pananalapi) sa pamamagitan ng paglipat gamit ng bangko vs Binomo na hindi nangangailangan ng pambayad sa paglalabas ng pananalapi.
Minsan, ang mga customer ay nagbabayad ng 2% na withdrawal fee sa kanilang pangalawang withdrawal bawat buwan ng kalendaryo. Ngunit, puwede kang lumapit sa samahan ng suporta ng IQ Option kung mayroon kang mga katanungan tungkol dito o kung kailangan mo pang higit na mas matuto sa website.
Isa pa, ang IQ Option ay nagpapataw ng mga bayarin na higit sa lahat ay para sa pagpapanatili at pampinansyal na mga instrumento.
Pangkalahatan
Sa lahat ng mga kalamangan at kahinaan ng Binomo vs IQ Option, nasa sa iyo na ang desisyon sa pamimili ng plataporma. Tandaan na ang mga platapormang ito ay kayang magbigay sayo ng higit pang tulong na kaya nilang ibigay at magbukas ng maraming oportunidad upang gumaling ka pa bilang mangangalakal at hasain pa ang iyong kahusayan sa forecasting o pagtataya. Ngunit, ang mga desisyong ito ay nakadepende sa iyo at walang pananagutan ito sa mga panganib na puwede pong maranasan kahit na ikaw na ay binalaan na tungkol sa mga ito.
Be First to Comment