Mga paligsahan sa Binomo

Sa pagbabasa ng artikulo na ito, magkakaroon ka ng kumpletong kaalaman tungkol sa mga torneo sa Binomo, paano magsimula, mga uri, at iba pa. Makikita mo rito ang kumpletong alituntunin para sa nasabing paligsahan.

Ano ang paligsahan sa Binomo?

Ang torneo ay isang uri ng patimpalak na nilikha upang mahasa ang iyong kakayahan sa pakikipagkalakalan habang nagkakaroon ng karagdagang kita. Maaari itong matapos sa kahit saan sa pagitan ng ilang oras hanggang ilang araw. Ang bawat paligsahan ay may iba’t ibang premyo at kondisyon. Ito ay binubuo ng mga bayad ng kalahok at hahatiin sa mga kalakok na mapapasama sa leaderboard. Sa madaling sabi, kapag mas mataas ang halaga ng pakikilahok at kapag mas marami ang bilang ng mga kalahok, mas malaki ang maaaring maging premyo.
paligsahan binomo
Ang mga mangangalakal ay gumagamit ng espesyal na account na may pondong birtwal upang makasali sa paligsahan ng Binomo. Ito ay magagamit mula umpisa hanggang sa katapusan ng gawain, at hanggang sa susunod na 24 oras.

Tandaan! Ang Binomo ay may sariling alituntunin sa paghawak ng mga torneo. Pakibasa nang mabuti bago magpatuloy.

Paano ako makakapasok sa paligsahan?

Ang torneo ay matatagpuan sa opisyal na website: www.binomo.com at sa mobile application. Ang unang hakbang sa pagiging kalahok sa paligsahan ng Binomo ay pumili ng isa sa kanila. Kung ikaw ay baguhan pa lamang, maaari mong piliin and “Daily free” na torneo, tandaan lamang na ang kompetisyon ay magagamit lamang para sa APK at web version ng plataporma; and “Daily Free” na torneo ay hindi magagamit sa aplikasyon.

Ang mga may bayad na paligsahan naman ay magagamit ng mga mamimili na may katayuan na Standard sa Binomo o mas mataas pa — yung mga nakapag-deposito na ng pondo sa plataporma.
binomo torneo
Ang alituntunin ng Binomo ay nagsasabing maaari kang magparehistro bago magsimula ang paligsahan o pagkatapos nitong magsimula. Maaari ka ring makilahok sa maraming kompetisyon nang magkakasabay at magpapalit-palit sa mga iyon.

Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makalahok sa torneo:

  1. Kumuha ng access sa iyong account sa Binomo.
  2. Pliin ang icon ng “Tournaments” sa kaliwang bar na patayo.
  3. Pumili ng paligsahan at magbayad kung kailangan ng bayad. Siguruhin na ang balanse sa Binomo ay tugma o higit pa sa hinihinging bayad.
  4. Kapag nakapagbayad na, ikaw ay isang ganap na na kalahok.

Tandaan! Ang Binomo ay may karapatang itigil ang pagsali ng isang kalahok sa paligsahan kung sila ay kasali sa mga ilegal na aktibidad o kapag sila ay may nilabag sa termino ng Client Agreement.

Mga uri ng torneo

binomo paligsahan
Katulad ng nabanggit natin sa itaas, may dalawang uri ng torneo sa Binomo: libe “Daily Free” at ang mga may bayad. Ang libreng kompetisyon ay magandang oportunidad para sa mga baguhang mangangalakal upang masubukan ang kanilang kakayahan matapos mag-aral sa demo account. Hindi na kailangang magdeposito.

Ang mga may bayad na paligsahan ay mas angkop sa mga may karanasan na na mangangalakal. Dapat ding ikonsidera na hindi lahat ng may bayad na torneo ay matatagpuan sa Standard account; ang Binomo ay may hiwalay na torneo para sa Gold at VIP clients na may mas mataas na premyo.

Tandaan! Ang bilang ng paligsahan sa Binomo ay maaaring magkaiba-iba. Ang mga na-update na impormasyon tungkol sa mga kompetisyon ay laging nakalagay sa seksyon ng “Tournaments”.

Posible ba na makatanggap ka ng pabuya?

torneo binomo
Ang bawat kompetisyon sa Binomo ay may mga set ng numero ng posisyon sa leaderboard. Ang bawat isa ay magsisimula sa magkaparehong halaga ng pananalapi sa torneo. Ang layunin ng karamihan sa mga kaganapan ay maabot ang pinakamataas na balanse sa pagtatapos ng kompetisyon.

Ang Binomo ay pinapayagan kang muling bumili para makasali kapag mababa na ang iyong balanse. Ang bayad ay ibabawas sa account. Sa kanang bahagi ng halaga ng balanse, may pindutan ng “Rebuy”.

Sa pagtatapos ng paligsahan, ang mga pondong matatanggap ay makukuha sa seksyon ng “Prizes”. Ang premyo ay madedeposito sa tunay na account ng mangangalakal kapag ito ay na-activate na.

Tandaan! Kung may katanungan tungkol sa mga paligsahan ng Binomo, maaaring basahin ang mga inihandang kasagutan sa Help Center o di kaya ay kumontak ng suporta gamit and chatbot Cody o magpadala ng mensahe sa support@binomo.com.

Buod

Ang mga torneo sa Binomo ay magandang paraan hindi lamang para masubukan at mahasa ang kakayanan sa pangangalakal, kundi pati na rin para magkaroon ng karagdagang kita. Kahit na karamihan sa mga paligsahan ay may bayad, maaaring mag-ensayo ng pangangalakal sa “Daily Free” nang walang bayad o deposito.

Tandaan lamang na ang pakikilahok sa mga torneo sa Binomo ay hindi nagbibigay ng kasiguraduhan na dagdag kita. Ang pangangalakal ay may kaakibat na panganib ng pagkalugi ng bahagi o ng buong investment. Upang mabawasan ang panganib, importanteng matutunan ang pagbabasa ng charts, unawain ang market, at mag-ensayo sa libreng paligsahan. Magdeposito lamang ng totoong pondo kung ikaw ay kumpiyansa na sa iyong kakayahan sa pangangalakal.

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *